Pagmamay-ari sa ABS-CBN, hindi nawala sa mga Lopez kahit noong panahon ng martial law

By Erwin Aguilon June 17, 2020 - 06:06 PM

Hindi nawala sa pamilya Lopez ang pag-aari sa ABS-CBN kahit na naglabas noon ng sequestration order si dating Pangulong Ferdinand Marcos.

Sa joint hearing ng House committee on legislative franchises at committee on good government and public accountability, nilinaw ni dating Senate President Juan Ponce Enrile, ang siyang nagpalabas ng sequestration order para sa lahat ng television at radio stations sa bansa noong martial law, na kailanman ay hindi nailipat sa gobyerno ang pagmamay-ari sa ABS-CBN.

Sabi ni Enrile, “The facilities of the entire ABS-CBN complex, broadcast complex, were placed under the control of the government. The title of all of these facilities was never transferred to the government. They remained with the owners”.

Ang pahayag ni Enrile ay kontra sa sinabi ni Atty. Augusto Almeda-Lopez na inagaw ni Marcos ang titulo ng ABS-CBN at hindi ito naibalik sa kanila noong 1986 kaya kinailangan nilang kumilos rito para kanilang mabawi ang assets at equipment ng media giant.

Iginiit ni Enrile na ang sequestration order sa lahat ng television at radio stations noong martial law ay inilabas upang makontrol ang sitwasyon para hindi makapagpahayag ng kanilang reaksyon ang mga oposisyon.

Dagdag nito, “We closed channel 2, the entire facilities of ABS-CBN, ch 5, ch 4, channel 7, ch 9, ch 13, ch 11. All the radio stations throughout the land in order to control the situation so that there will be no reaction or opposition for the declaration of Martial Law”.

Noong 1973, sinabi ni Enrile na binuksan muli ang ABS-CBN para gamitin ng pamahalaan, pero noong 1986 ay naglabas siya ng kautusan na bumabawi sa sequestration ng ABS-CBN.

TAGS: ABS-CBN, ABS-CBN franchise, Inquirer News, Juan Ponce Enrile, Radyo Inquirer news, sequestration order during martial law, ABS-CBN, ABS-CBN franchise, Inquirer News, Juan Ponce Enrile, Radyo Inquirer news, sequestration order during martial law

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.