Regular branches ng BPI, sarado simula 3:00 ng hapon ng June 19 at June 22

Magkakaroon ng systems maintenance ang Bank of the Philippine Islands o BPI sa darating na weekend.

Sinabi ng BPI na isasagawa ang systems maintenance simula 11:00, Biyernes ng gabi (June 19) hanggang 11:59, Sabado ng gabi (June 20).

Dahil dito, nag-abiso ang bangko na isasara ang kanilang regular branches simula 3:00, Biyernes ng hapon at sa Lunes, June 22.

Isasara naman ang kanilang mall branches simula 4:00, Biyernes ng hapon.

“Check clearing cut-off time will be strictly followed,” paalala pa ng BPI.

Read more...