Pag-iimbestiga ng Ombudsman kay Duque at iba pang opisyal ng DOH, welcome sa kagawaran
Welcome sa Department of Health (DOH) ang desisyon ng Office of the Ombudsman na magsagawa ng imbestigasyon kay Health Secretary Francisco Duque III at iba pang opisyal ng kagarawan.
Ito ay ukol umano sa mga iregularidad sa pagresponse sa kinakaharap na COVID-19 pandemic.
Sa inilabas na pahayag, siniguro ng DOH na tutugon sila sa lahat ng direktiba ng Ombudsman.
Inihayag ng kagawaran na naging transparent sila sa ginagawang COVID-19 response kabilang ang procurement transactions at probisyon ng mga benepisyo sa health workers.
“The Department has issued all checks to the kins of 32 fallen healthcare workers and 19 severe COVID-19 patients who recovered, last June 9,” pahayag pa ng DOH.
Patuloy din anila ang regular na pag-uulat sa publiko ng mga kaso sa pamamagitan ng pressers, situation reports at tracker sa kanilang iba’t ibang platform.
“As firm believers of transparency, the Department has likewise religiously informed the public for corrections and clarifications raised by all sectors as it continues to validate all submitted data,” dagdag pa ng DOH.
Sinabi pa ng kagawaran na handa silang makipag-cooperate sa mga otoridad para matiyak ang pagiging transparent nila sa imbestigasyon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.