WATCH: Duque, mga opisyal ng DOH pinaiimbestigahan ng Ombudsman

Pinaiimbestigahan ng Ombudsman si Health Secretary Francisco Duque III at iba pang mga opisyal at empleyado ng Department of Health (DOH) may kaugnayan sa paglaban sa 2019 Coronavirus Disease o COVID-19.

Ayon kay Ombudsman Samuel Martires, ipinag-utos niya ang pagbuo ng dalawang team na magsasagawa ng imbestigasyon sa ginawagang pagtugon sa pandemya.

Kabilang na rito ang delayed na pagbili ng mga personal protective equipment o PPE para sa mga health personel at iba pang kailangang medical gears na pang proteksyon sa mga ito.

Kasama rin sa iimbestigahan ang sinasabing mga lapses at iregularuidad na naging dahilan ng pagkamatay ng mga medical workers at pagtaas ng mga namamatay gayundin ang tinatamaan ng COVID-19.

Nais din masiyasat ng Ombudsman ang hindi agad pagbibigay ng mga nararapat na benepisyo at financial assistance sa mga nasawi at nagkaroon ng COVID-19 na health workers.

Bukod dito, iimbestigahan din ang kalituhan at delayed na pag-uulat ng mga nasawi at kumpirmadong kaso ng COVID-19.

Sabi ni Martires, ang binuong joint-investigation team ay awtorisado na maghain ng criminal at administrative case sa mga mapapatunayang may pagkukulang at paglabag sa batas.

Nauna rito, sinabi ng opisyal na bago ipatupad ang lockdown noong March 15 ay nagsimula na silang mag-imbestiga may kaugnayan sa pagbili ng 100,000 na test kits ng DOH at mga balita ukol sa paggamit ng UP invented test kits pero pinagpasa-pasahan lamang aniya ang kanilang mga imbestigador.

Narito ang buong ulat ni Erwin Aguilon:

Read more...