9 na immigration officers na nagpositibo sa rapid test, negatibo lahat sa RT-PCR test

Nag-negatibo sa COVID-19ang siyam na immigration officers na nauna nang nagpositibo sa rapid test.

Ayon kay Immigration National Operations Center chief Melvin Mabulac negatibo lahat sa RT-PCR test ang siyam na immigration officials.

Ang naturang mga immigration official ay nauna nang nagpositibo sa ginawang rapid test.

Una nang iniutos ni immigration Commissioner Jaime Morente ang pagsasagawa ng mandatory rapid testing sa lahat ng tauhan ng BI.

Bagaman mayroon nang operasyon ang BI, sinabi ni Mabulac na hinihimok nila ang may mga transaksyon na magpa-appointment online.

Hindi muna nila ipinapayo ang pagkakaroon ng walk in visitors para masigurong napapairal ang physical distancing.

 

 

 

Read more...