Pagtugon sa backlogs ng DOH kaugnay sa COVID-19 ipinamamadali

By Erwin Aguilon June 17, 2020 - 11:15 AM

FILE PHOTO

Kinalampag ni House Deputy Majority Leader Bernadette Herrera ang Department of Health (DOH) sa pagtugon sa problema sa backlogs sa accurate na bilang ng mga kumpirmadong kaso ng COVID-19.

Ayon kay Herrera, marami na-test ang mga testing centers na hindi pa makumpirma ng DoH.

Kaya nanan hindi pa rin ma-claim ng ahensya na nagkakaroon na ng ‘pag-flatten saa curve’ o pagbaba ng kaso ng COVID-19 dahil malaking problema pa rin hanggang ngayon ang backlog sa validation ng mga COVID-19 cases.

Nababahala ang mambabatas na posibleng mas mataas pa ang totoong bilang ng mga kumpirmadong kaso kumpara sa inilalabas ng ahensya.

Iginiit ng lady solon sa DOH ang pagkakaroon ng ‘timely assessment’ at ‘validation of data’ upang epektibong matugunan ang gap sa pagitan ng mga kumpirmadong kaso ng ahensya at mga nagpositibo sa mga testing centers.

Isinisisi naman ng DOH ang malaking pagkakaiba sa bilang at problema sa backlog sa COVID-19 cases sa mahaba at mabusising proseso ng verification at validation gayundin ang delay sa paglabas ng resulta at pagtaas ng testing capacity.

 

 

TAGS: backlogs, covid pandemic, covid test, COVID-19, department of health, general community quarantine, Health, Inquirer News, Modified general community quarantine, News in the Philippines, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, backlogs, covid pandemic, covid test, COVID-19, department of health, general community quarantine, Health, Inquirer News, Modified general community quarantine, News in the Philippines, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.