Imbestigasyon sa pagdaraos ng graduation isang barangay sa Daet, Camarines Norte sinimulan na ng DepEd

By Dona Dominguez-Cargullo June 17, 2020 - 10:21 AM

Sinimulan na ng Department of Education (DepEd) ang imbestigasyon sa insidente ng paglabag sa health standards na nangyari umano sa Daet, Camarines Norte noong June 11, 2020.

Ito ay kaugnay sa kumalat na video ng umano’y graduation sa Brgy. Dogongan sa bayan ng Daet kung saan makikitang iisang face mask lang ang pinagsasalit-salit na ipagamit sa mga estudyante.

“We take this matter seriously and will have a firm and rectifying action to prevent further breach in the future,” ayon sa DepEd.

Sinabi ng DepEd na nagsimul ana ang fact-finding investigation ng Division Investigation Committee (DIC) na binuo ng DepEd Region V.

Inatasan din ang sangkot na indibidwal na magsumite ng written explanation habang ang DepEd COVID-19 Task Force naman ay inatasang bantayan ang kondisyon ng mga mag-aaral na naroroon sa aktibidad.

Nakipag-ugnayan na ang DepEd sa Barangay Health Response and Emergency Team (BHRET) at sa local government unit para makapagsagawa ng precautionary measures.

Iginiit ng DepEd na nananatiling suspendido ang pagdaraos ng face-to-face graduation at moving up rites.

 

 

TAGS: breach of protocols, Camarines Norte, covid pandemic, COVID-19, Daet, department of health, deped, general community quarantine, Graduation, Health, Inquirer News, Modified general community quarantine, News in the Philippines, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, breach of protocols, Camarines Norte, covid pandemic, COVID-19, Daet, department of health, deped, general community quarantine, Graduation, Health, Inquirer News, Modified general community quarantine, News in the Philippines, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.