Malakanyang hindi naaalarma sa mataas na kaso ng COVID-19 sa Cebu City
Nababahala pero hindi naalarma ang Palasyo ng Malakanyang sa mataas nankaso ng COVID-19 sa Cebu City.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, hindi pa naman nakatatakot ng tuluyan ang kaso sa Cebu City City dahil nasa 100 percent naman ang kanilang critical care beds.
Personal na rin aniyang binisita ni Chief Carlito Galvez ang Cebu City at nangakong dadagdagan ang critical care bed capacity kung kinakailanhan.
May ilalagay din na mga ventilators at medical health professional ang mga karatig probinsya ng Cebu.
Mahalaga kasi aniya na mabantayan ang Cebu City dahil kung hindi mababantayan ay posibleng kumalat pa ang COVID-19 dahil nagsisilbi itong gateway sa Visayas Region maging sa Luzon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.