Kaso ng COVID-19 sa Brazil mahigit 900,000

By Dona Dominguez-Cargullo June 17, 2020 - 09:49 AM

Sumampa na sa mahigit 900,000 ang kaso ng COVID-19 sa Brazil.

Sa pinakahuling datos ay umabot na sa 928,834 ang nakumpirmang kaso ng COVID-19 sa nasabing bansa.

Mahigit 460,000 ang naka-recover na sa BRazil habang mayroon pa itong mahigit 418,000 na aktibong kaso.

Ang bilang naman ng mga nasawi sa Brazil dahil sa COVID-19 ay mahigit 45,000 na.

Ang Brazil ay pangalawa na sa mga bansa sa mundo na mayroong pinakamaraming kaso ng COVID-19 kasunod ng Estados Unidos.

Pangalawa na rin ito sa mga bansang mayroong pinakamaraming bilang ng nasawi dahil sa COVID-19.

 

 

 

TAGS: Brazil, covid cases, covid pandemic, COVID-19, Health, Inquirer News, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Brazil, covid cases, covid pandemic, COVID-19, Health, Inquirer News, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.