Mexican federal judge, kaniyang misis patay sa pamamaril

Nasawi ang isang Mexican federal judge at kaniyang asawa matapos sialng pagbabarilin sa loob mismo ng kanilang bahay sa Colima State.

Nasa loob ng bahay si Judge Uriel Villegas kasama ang kaniyang pamilya ng pumasok ang mga suspek at siya ay binaril.

Nasawi din ang kaniyang misis, habang ligtas naman ang mga anak nila at kanilang kasambahay.

Dahil sa insidente, nanawagan si Supreme Court president Arturo Zaldivar para sa mas malakas na proteksyon sa mga federal judge.

Si Villegas ay marami nang hinawakang crime cases.

Noong Pebrero ay naitalaga si Villegas sa federal criminal court sa Mexico City.

 

 

Read more...