Kaso ng COVID-19 sa Taguig nadagdagan ng 12 pa

May nataitalang labingdalawa pang bagong kaso ng COVID-19 sa Taguig City.

Ang mga bagong kaso ay mula sa mga barangay na Fort Bonifacio, Ibayo Tipas, Ligid Tipas, New Lower Bicutan, North Daang Hari, Pinagsama, South Signal, Upper Bicutan at Ususan.

Sa ngayon ang kabuuang bilang ng confirmed cases sa Taguig ay 585 na.

Simula January 27 hanggang June 16, 2020, umabot na sa 3,751 na suspected COVID-19 cases sa lungsod, 21 ang nasawi at mayroong 120 na naka-recover.

Ang Taguig ay naglungsad ng SMART testing o ang Systematic Mass Approach to Responsible Testing kung saan nakapaloob ang barangay-based testing at ang drive-thru testing.

 

 

 

Read more...