Water level ng Angat dam muling nabawasan sa magdamag

Muling nabawasan ang antas ng tubig ng Angat dam at iba pang dam sa Luzon sa nakalipas magdamag.

Ayon sa PAGASA-Hyrometeorology Division, ang antas ng tubig ng Angat dam ay nasa 188.81 meters alas-6:00 umaga ng Miyerkules (june 17) mas mababa ito sa antas nito kahapon na 189.00 meters.

Nadagdagan naman ang antas ng tubig ng Ipo dam na nasa 101.00 meters ngayong umaga mas mataas sa antas nito kahapon na 100.97 habang bahagyang nabawasan ang antas ng tubig ng La Mesa dam sa 75.40 meters mas mababa sa antas nito kahapon na 75.48 meters.

Samantala, nabawasan naman ang water level ng Binga, San Roque, Magat at Caliraya dams habang nadagdagan naman ang antas ng tubig ng Ambuklao at Pantabangan dams.

 

 

Read more...