Pampasaherong jeep sa QC na hindi nakakabiyahe pwede nang iparehistro sa “Lalajeep”

Maari nang magparehistro sa ilalim ng delivery app na “Lalamove” ang mga pampasaherong jeep sa Quezon City.

Sa abiso ng QC Local Government, ang isang displaced jeepney driver ay pwede nang magparehistro para sa nasabing programa.

Para maging bahagi ng “Lalajeep” kailangang ang edad ay 21 pataas, mayroong smartphone, may email address, may GCash account at malusog ang pangangatawan.

Pwede nang magparehistro sa link na https://tinyurl.com/LALAJEEP-SignUpForm

Ang staff ng QC Small Business and Cooperatives Development Promotions Office ay magpapadala ng mensahe para sa schedule ng screening.

Layon ng nasabing programa na matulungan ang mga driver ng jeep na ngayon ay walang hanapbuhay.

 

 

 

Read more...