COVID-19 cases sa Quezon City, umabot na sa 2,689

Pumalo na sa mahigit 2,600 ang mga nagpositibo sa COVID-19 sa Quezon City.

Sa datos ng Quezon City Health Department, umabot na sa 2,689 ang bilang ng mga kumpirmado kaso ng nakakahawang sakit sa lungsod hanggang 11:00, Martes ng gabi (June 16).

Sa nasabing bilang, 2,608 ang COVID-19 cases na may kumpletong address.

2,569 namang kaso ang na-validate na ng QCESU at district health offices.

Samantala, nasa 9,531 naman ang itinuturing na aktibong kaso ng sakit.

1,402 naman ang total recoveries ng COVID-19 sa lungsod habang 214 ang nasawi.

Batay pa sa datos, nasa 1,484 ang suspected COVID-19 cases na kabilang na isinagawang contact tracing.

 

 

Read more...