outbrain

Mahigit 1,600 na Pinoy nakauwi sa bansa kahapon

By Dona Dominguez-Cargullo June 17, 2020 - 06:10 AM

Umabot sa 1,696 na Pinoy ang dumating sa bansa kahapon.

Sa nasabing bilang, 665 ang dumating sa Clark at 1,031 ang dumating sa NAIA.

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), dumating sa Clark International Airport (CRK) sa Pampanga ang 347 na Pinoy seafarers mula sa Barbados.

Sila ay pawang crew ng Royal Caribbean Cruises Ltd. (RCCL) ships Harmony of the Seas, Celebrity Equinox, at Serenade of the Seas.

Kahapon din lumapag sa Clark ang eroplano na nag-uwi sa 318 na stranded na Filipinos galing United Arab Emirates.

Mahigit 1,000 OFWs naman ang dumating kahapon sa Ninoy Aquino International Airport.

Ayon sa DFA simula noong February 2020 ay umabot na sa 45,865 na mga Pinoy ang nakauwi sa bansa.

 

 

 

TAGS: clark airport, covid pandemic, COVID-19, department of health, DFA, general community quarantine, Health, Inquirer News, Modified general community quarantine, News in the Philippines, Radyo Inquirer, reptriation, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, clark airport, covid pandemic, COVID-19, department of health, DFA, general community quarantine, Health, Inquirer News, Modified general community quarantine, News in the Philippines, Radyo Inquirer, reptriation, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.