Bahagi ng Brgy. Lower Bicutan sa Taguig isasailalim sa ECQ
Simula Miyerkules (June 17) ng gabi ay isasailalim sa enhanced community quarantine ang Purok 5 at 6 ng Brgy. Lower Bicutan sa Taguig City.
Ito ay base sa rekomendasyon ng disease and surveillance unit ng lungsod bunsod ng pagkakaroon ng clustering ng kaso ng COVID-19 sa lugar.
Simula June 17 alas 6:00 ng gabi hanggang sa July 1 ng gabi tatagal ang ECQ.
Sa pagpapairal ng localized lockdown ay ipatutupad ang mga sumusunod:
– limitado ang galaw ng mga residente ay papayagan lamang lumabas ang bibili ng essential goods
– Ang mga empleyado na nagtatrabaho sa mga establisyimento na nagbibigay ng essential goods at services ay papayagan na lumabas
– Magsasagawa ng active case finding sa lugar na sakop ng lockdown.
Kaugnay nito pinayuhan ang mga residente na kung may nararanasang sintomas ay agad tumawag sa Barangay Health Center sa pamamagitan ng TeleMedicine hotline numbers na 0927-633-1095, 0961-734-0881, at 0961-734-0852.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.