Mindanao apektado ng ITCZ; Easterlies nakaaapekto naman sa Southern Luzon at Visayas

By Dona Dominguez-Cargullo June 17, 2020 - 05:16 AM

Mainit na panahon muli ang aasahan sa malaking bahagi ng bansa lalo na sa Luzon.

Sa weather forecast ng PAGASA, apektado ng easterlies ang Southern Luzon at Visayas.

Naaapektuhan naman ng Intertropical Convergence Zone (ITCZ) ang Mindanao.

Ayon kay PAGASA weather specialist Aldzar Aurello, sa susunod na tatlong araw o hanggang Biyernes, hindi mararanasan sa bansa ang epekto ng Habagat.

Umiiral kasi ang ridge ng high pressure area at itinutulak nito papalayo sa bansa ang Habagat.

Sa magiging lagay ng panahon ngayong araw, ang Caraga at Davao Region ay makararanas ng kalat-kalat na pag-ulan dahil sa ITCZ.

Ang Metro Manila naman at nalalabing bahagi ng bansa ay makararanas ng mainit na panahon at magkakaroon lamang ng isolated na pag-ulan sa hapon o gabi.

 

 

TAGS: Inquirer News, ITCZ, News in the Philippines, Pagasa, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, weather, Inquirer News, ITCZ, News in the Philippines, Pagasa, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, weather

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.