Sarangani, Davao Occidental niyanig ng lindol

Niyanig ng magnitude 3.0 na lindol ang lalawigan ng Davao Occidental.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 191 kilometers southeast ng bayan ng Sarangani, alas-3:04 madaling araw ng Miyerkules (June 17).

May lalim na 99 kilometers at tectonic ang origin ng pagyanig.

Wala namang inaasahang pagkasira sa mga ari-arian, intensities at aftershocks.

 

 

Read more...