Base sa huling datos ng Lokal na pamahalaan ng Laguna (Martes, June 16, 3PM), ang active cases sa lalawigan ay umabot na sa 152 kung saan nadagdagan ng 12 ang bilang ng active cases.
Narito ang mga lugar na mayroong COVID-19 active cases:
San Pedro (Larger Community) – 14
San Pedro (BJMP) – 61
San Pedro (PNP) – 16
Biñan (Larger Community) – 31
Biñan (PNP Custodial Facility) – 2
Calamba – 8
Santa Rosa – 10
Cabuyao – 1
San Pablo – 4
Santa Cruz – 2
Calauan – 1
Pagsanjan – 1
Alaminos – 1
Ang bilang naman ng COVID-19 related deaths sa lalawigan ay nanatili sa 40 habang ang bilang naman ng nakarecover na ay 368.
Ang kabuuang bilang ng tinamaan ng COVID-19 sa lalawigan ay umabot na sa 560.
Samantala, nasa 1,528 naman ang bilang ng suspected cases at 75 ang probable cases.