HPG nagsorry sa mabigat na trapiko sa EDSA, dagdag na tauhan inihirit

By Den Macaranas February 20, 2016 - 08:20 AM

PNP-HPG1
Inquirer file photo

Humingi ng paumanhin sa publiko ang pamunuan ng Philippine National Police – Highway Patrol Group (PNP-HPG) kaugnay sa reklamo ng ilang motorist sa mabigat pa rin na daloy ng trapiko sa EDSA.

Ipinaliwanag ni HPG Dir. Arnold Gunnacao na may mga pagkakataong lumalabas ng EDSA ang kanyang mga tauhan para ayusin ang lagay ng traffic flow sa ilang secondary roads.

Inihalimbawa ng opisyal ang bahaging Ortigas Ave. at Aurora Blvd. kung saan ay kinakailangan umano ang tulong ng mga tauhan ng HPG para hindi tumukod sa EDSA ang mabigat na daloy ng trapiko.

Sinabi rin ni Gunnacao na nag-request na rin siya ng dagdag na mga tauhan dahil kulang ang 122 personnel para sa umaga at dagdag na 122 sa hapon hanggang gabi.

Nilinaw din ni Gunnacao na buong Pilipinas ang sakop ng HPG kaya hindi nila pwedeng ibuhos ang kanilang available personnel sa kahabaan ng EDSA lamang.

Nangako naman ang opisyal na muli nilang bubuhayin ang operasyon para mapaluwag ang Mabuhay lanes bilang alternatibong ruta ng mga motorista.

Umaapela rin ng tulong sa mga Local Government Units (LGUs) ang HPG para mapanatiling maluwag ang Mabuhay lanes.

TAGS: edsa, Gunnacao, HPG, PNP, edsa, Gunnacao, HPG, PNP

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.