Anim pang kaso ng COVID-19, naitala sa Western Visayas
Nagpositibo ang anim pang pasyente sa COVID-19 sa bahagi ng Western Visayas.
Ayon sa Department of Health Western Visayas Center for Health Development hanggang June 16, umakyat na sa 153 ang mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa rehiyon.
Kabilang dito ang mga sumusunod:
– 30-anyos na lalaking residente ng Igbaras, Iloilo
– 32-anyos na lalaking residente ng La Paz, Iloilo City
– 50-anyos na lalaking residente ng Mandurriao, Iloilo City
– 22-anyos na lalaking residente ng Lambunao, Iloilo
– 35-anyos na lalaking residente ng Binalbagan, Negros Occidental
– 46-anyos na lalaking residente ng San Carlos City, Negros Occidental
Sa ngayon, nakasailalim ang dalawang bagong COVID-19 patient sa quarantine facility.
Samantala, umakyat naman sa 103 ang mga gumaling sa Western Visayas.
Nanatili naman sa 11 ang bilang ng nasawi sa rehiyon dahil sa nakakahawang sakit.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.