Gawa ang “Corona edition” na pedicab ng Italian motor vehicle manufacturer na Piaggio.
Mayroon itong physical distancing dividers at tumatakbo gamit ang gas o diesel.
Ayon sa alkalde, piso lamang ang magiging downpayment ng pedicab drivers at aabot lamang sa P188 kada araw ang huhulugan sa loob ng tatlo hanggang limang taon.
“Ilalaban ko ito ng magandang presyo. Piso lang ang down, tapos ‘yung hinuhulog mo, ‘yun ‘yung boundary mo, in 3-5 years, sa’yo na ito,” pahayag ni Moreno.
Payag naman ang pedicab drivers sa plano ni Moreno.
“Kayo ang inuuna ko lagi, kasi ‘pag walang byahe, walang chicha. Pahirap nang pahirap ang buhay sa kalye ngayon. Iniisip ko kung paano pataasin ang dignidad ng mga naghahanap-buhay sa kalsada,” ayon pa kay Moreno.
Sa ngayon, nais ng Manila City government na makakuha ng paunang 2,000 modernong pedicab para sa mga rehistradong PODA sa lungsod.
Kasama rito ang cellphone unit ng bawat taxicycle, kung saan pinag-aaralan na pairalin ang cashless payment system para sa pedicabs.