Belison, Antique niyanig ng magnitude 3.5 na lindol

Niyanig ng magnitude 3.5 na lindol ang bayan ng Belison sa lalawigan ng Antique.

Ang pagyanig ay naitala sa layong 36 kilometers northwest ng Belison alas 12:04 ng tanghali ngayong Martes, June 16.

Ayon sa Phivolcs tectonic ang origin ng pagyanig at 1 kilometer lang ang lalim.

Wala namang naitalang intensities bunsod ng lindol.

Hindi rin ito inaasahang magdudulot ng pinsala at aftershocks.

 

 

 

Read more...