2 Chinese na sangkot sa pagdukot sa kapwa nila Chinese national arestado sa Makati

By Jan Escosio June 16, 2020 - 12:13 PM

Arestado ang dalawang Chinese citizens at nailigtas mula sa kanila ang isa nilang kababayan sa Makati City na kanila umanong ikinulong.

Alas-9:15 ng gabi ng Lunes (June 15) nang puntahan ng mga tauhan ng mga tauhan ng Makati City police ang Unit 3316 sa Lerato Tower Malugay St., matapos humingi ng tulong kay Police Maj. Gideon Ines ang isang Chinese citizen.

Base sa sumbong, isa niyang kababayan ang ikinulong sa naturang unit.

Inaresto sina Zhou Meng, 26 at Tseng Yi-Ting, 25 dahil sa pagkulong kay Ao Yuan, 29, ng Three Central Condominium, Barangay Bel Air.

Nakuha sa condo unit ang apat na laptop units, computer accessories at condoms.

Mahaharap sa kasong illegal detention sina Zhou at Tseng.

 

 

 

 

TAGS: Chinese Nationals, Inquirer News, Kidnapping, Makati, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Chinese Nationals, Inquirer News, Kidnapping, Makati, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.