Mahigit 7,000 pang umuwing Pinoy nag-negatibo sa COVID-19 sa nakalipas na tatlong araw

By Dona Dominguez-Cargullo June 16, 2020 - 11:47 AM

Simula noong June 12 hanggang June 15 ay mayroong mahigit 7,000 pang umuwing Pinoy ang nag-negatibo sa COVID-19.

Base sa inilabas na datos ng Sub-Task Group for the Repatriation of OFWs, mayroon pang 7,337 na umuwing OFWs at non-OFWs ang nag-negatibo sa isinagawang RT-PCR tests.

Maaring makita ang listahan ng mga nag-negatibong Pinoy sa link na https://bit.ly/30MoXG8

Ang mga nasa listhaan ay maari nang makipag-ugnayan sa PCG o OWWA personnel sa kanilang quarantine facility para maiproseso ang kanilang pag-uwi sa mga lalawigan.

Bibigyan sila ng quarantine clearance pagdating nila sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) o sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 2.

 

 

 

TAGS: NAIA, OFWs, pitx, returning Filipinos, Sub-Task Group for the Repatriation of OFWs, NAIA, OFWs, pitx, returning Filipinos, Sub-Task Group for the Repatriation of OFWs

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.