Tourism infrastructure pinabihilisan sa pamahalaan
Pinabibilisan ni House Speaker Alan Peter Cayetano sa pamahalaan ang pagtatayo ng mga imprastraktura para sa turismo.
Sabi ni Cayetano, sakaling umabot ng dalawang taon ang COVID-19 ay tiyak na handang-handa na ang tourism industry ng bansa kaya maralat pa lamang na bibilisan na ang pagpapagawa ng mga tourism-related infrastructure projects.
Maaari aniyang maglaan ng malaking pondo para sa tourism infrastructure upang matiyak ang mabilis na pagpapatayo ng mga imprastrakturang magpapalakas sa turismo ng bansa.
Sabi ni Cayetano, ngayong may paghihigpit sa mga aktibidad na pangturismo ay dapat na samantalahin ng pamahalaan na madaliin ang mga imprastraktura at mga kakulangan dito.
Hinikayat din ng speaker ang Department of Tourism (DOT) na pag-aralan ang mga magagandang kasanayan ng ibang mga bansa partikular sa unit-unting pagbangon ng kanilang tourism sector.
Sa ilalim ng inaprubahang Accelerated Recovery and Investments Stimulus for the Economy (ARISE) na ini-akda ni Cayetano, mayroong P58 Billion na ilalaan para sa pagbangon ng turismo na lubhang naapektuhan ng COVID-19 pandemic.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.