MORE power sinigurong matatapos na ang pagkakaroon ng brownouts sa Iloilo City

June 16, 2020 - 09:16 AM

Tiniyak ng kasalukuyang power distribution utility sa Iloilo City na matatapos na ang mga nararanasang brownout sa lungsod sa lalong madaling panahon.

Paliwanag ni More Electric and Power Corp. Chief Operating Officer and President Roel Castro, sa ilalim ng kanilang 3-year modernization program ay nasisimulan na nila ang pagsasaayos ng power distribution system.

Aabot aniya sa 1.8 bilyong piso ang inilaan nilang pondo para sa programa.

Kasama aniya sa kanilang modernization program ang paglalagay ng looping system sa 69-kilovolt sub-transmission facility na magsisilbing backup power supply sa tuwing nagsasagawa sila ng preventive maintenance at repairs sa alinman sa 5 substations sa Ilo Ilo.

Aabot na rin aniya sa 130 transformers ng Panay Electric Company ang kanilang napalitan dahil sa panganib na sumabog o masunog ang mga ito.

Ang mga nabubulok na kahoy na electric poles, napalitan narin ng More Power ng mga concrete.

Sinabi ni Castro na mula nitong Mayo, ay nakumpleto na nila ang pagrepair sa Jaro, City Proper at La Paz substations at sa mga darating na linggo ay tatrabahuhin naman nila ang 2 pang substations.

Matatandaan na nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Pebrero 2019 ang Republic Act 11212 na nagbibigay ng legislative franchise sa More Power na maging solong magsesebisyo ng kuryente sa Iloilo City habang noong Setyembre 2019 ay tuluyang kinansela at hindi na nirenew ng Kongreso ang prangkisa ng PECO dahil na rin sa isyu ng mga kapalpakan nito, ang kawalang prangkisa ng PECO ang nagbigay daan para tuluyan na rin bawiin ng ERC ang inisyu nitong CPCN sa kumpanya.

 

 

 

TAGS: Iloilo, MORE POWER, Panay, Iloilo, MORE POWER, Panay

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.