UN climate chief Figueres, hindi na mag-eextend ng termino

AP photo
AP photo

Matapos ang anim na taong panunungkulan, inanunsyo ni UN climate chief Christiana Figueres na lilisanin na niya ang kaniyang pwesto pagdating ng Hulyo ng taong ito.

Inilabas ang nasabing anunsyo dalawang buwan matapos ang makasaysayang kasunduan tungkol sa climate change na nabuo sa Paris.

Sa liham na ipinadala ng Costa Rican diplomat na si Figueres sa mga gobyerno at observers, sinabi niyang hindi na siya tatanggap ng extension oras na matapos na ang kaniyang termino sa July.

Si Figueres ay tumulong na maisakatuparan ang climate talks sa Paris, pagkatapos ng hindi naging matagumpay na 2009 summit sa Copenhagen.

Sa liham naman na isinagot ni UN Secretary-General Ban Ki-moon, hahanap na sila ng maaring pumalit kay Figueres sa lalong madaling panahon.

Read more...