Pangulong Duterte bibili ng radyo para sa distance learning ng mga estudyante
Bibili si Pangulong Rodrigo Duterte ng transistor radio.
Ito ay para magamit sa distance learning na ipatutupad ng Department of Education (DepEd) sa August 14 dahil sa COVID-19.
Nagkakahalaga aniya ang radyo sa P300 bawat pirado at ipamamahagi sa mga malalayong lugar.
Ayon sa pangulo, bukod sa mga gadget, isa ang radyo sa mga gagamitin sa distance learning para magamit ng mga bata sa pag-aaral.
May mga lugar kasi aniya sa Pilipinas na mahirap ang internet at hindi abot ang signal maging ng telebisyon at cellphone.
Pero agad din na humingi ng depensa ang pangulo dahil maghahanap pa siya ng pera para ipang pondo sa mga bibilhing radyo.
Hirit ng pangulo, bigyan siya ng panahon hanggang sa matapos ang linggong ito para makahanap ng pondo.
Paubos na kasi aniya ang pondo ng pamaalaan.
Aminado ang pangulo na maaring hindi malagtagumpayan ng pamahalaan na bigyan ang bawat barangay ng radyo para sa mga estudyante pero ito ay pagsusumikapan na hindi maantala ang pag aaral ng mga bata.
Matatandaang ipinagbawal ni Pangulong Duterte angvface to face classes dahil sa banta ng COVID-19.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.