Pagpaparehistro sa online sellers ng ipinagtanggol ni Rep. Salceda

By Erwin Aguilon June 16, 2020 - 09:30 AM

Hindi dagdag pahirap para sa mga online business ang kautusan ng Bureau of Internal Revenue (BIR) upang magparehistro ang mga online business.

Ayon kay House Committee on Ways and Means Chairman at House Economic Stimulus Co-Chair Joey Salceda para din sa mga ito na maituturing na bahagi ng micro, small, medium enterprise.

Makatutulong aniya ang pagpaparehistro ng mga online MSMEs para maka-avail ng mga benepisyo na ibinibigay sa mga ito lalo ngayong may COVID-19 tulad ng ‘wage subsidy’ at pagpapautang ng walang interes sa ilalim ng inaprubahang stimulus program.

Target din aniya ng kautusan ang pag-regularize sa mga online sellers na maging bahagi ng ‘formal economy’ at maihanda ang ekonomiya ng bansa sa pagpasok sa digital economy.

Nilinaw din ni Salceda, na sa ilalim sa circular ng BIR na ang mga negosyo online na may kita na mas mababa pa sa P250,000 kada taon ay exempted at hindi kinakailangan na magbayad ng income tax sa BIR habang ang mga mas mababa pa sa P3 Million ang sales ay hindi naman pagbabayarin ng VAT salig na rin sa Barangay Micro Business Enterprises (BMBE) Law, at Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law.

Sa pagtataya ng ekonomistang mambabatas aabot sa 1 milyon ang informal MSMEs na nagnenegosyo online.

Sa ilalim ng BIR circular mayroong hanggang July 31 ang mga ito upang makapagparehistro para rin makakuha ng amnestiya at hindi magbayad ng anumang penalty at surcharges dahil sa hindi pagpapatala ng kanilang mga negosyo.

 

 

TAGS: BIR, covid pandemic, COVID-19, department of health, general community quarantine, Health, Inquirer News, Modified general community quarantine, News in the Philippines, online business, online sellers, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, BIR, covid pandemic, COVID-19, department of health, general community quarantine, Health, Inquirer News, Modified general community quarantine, News in the Philippines, online business, online sellers, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.