Kaso ng COVID-19 sa Brazil mahigit 891,000

Sumampa na sa mahigit 891,000 ang kaso ng COVID-19 sa Brazil.

Sa pinakahuling datos ay umabot na sa 891,556 ang nakumpirmang kaso ng COVID-19 sa nasabing bansa matapos na makapagtala ng mahigit 23,000 na bagong kaso sa magdamag.

Ang bilang naman ng mga nasawi sa Brazil dahil sa COVID-19 ay mahigit 44,000 na.

Sa magdamag ay mahigit 700 ang nasawi sa Brazil.

Ang Brazil ay pangalawa na sa mga bansa sa mundo na mayroong pinakamaraming kaso ng COVID-19 kasunod ng Estados Unidos.

Pangalawa na rin ito sa mga bansang mayroong pinakamaraming bilang ng nasawi dahil sa COVID-19.

 

 

 

 

 

Read more...