Bilang ng mga mag-aaral na nakapag-enroll na umabot na sa mahigit 11 milyon

Umabot sa 10.6 million na mga estudyante ang nakapag-enroll na para sa school year 2020-2021 sa mga pampublikong paaralan.

Ito ang iniulat ng Department of Education (DepEd) kay Pangulong Rodrigo Duterte sa pulong ng IATF.

Ayon sa datos ng DepEd, simula noong June 1 hanggang hapon ng June 15 ay 10,667,882 learners na ang nakapag-enroll sa public schools.

Mayroon namang 329,656 na nakapag-enroll sa mga private schools.

Sa kabuuan, umabot na sa 11,014,839 ang nakapag-enroll mula Kindergarten hanggang Grade 12 sa buong bansa sa loob ng dalawang linggo.

Simula naman ngayong araw, magbubukas ang DepEd ng drop boxes at kiosks sa mga barangay halls at paaralan.

Ito ay para magamit ng mga magulang sa pag-enroll sa kanilang mga anak.

 

 

Read more...