Mahigit 2,000 Pinoy nakauwi sa bansa kahapon

By Dona Dominguez-Cargullo June 16, 2020 - 07:16 AM

Umabot sa mahigit 2,000 Overseas Filipino Workers ang dumating sa bansa kahapon.

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA) kahapon ng maghapon ay 2,288 na Pinoy ang dumating sa bansa.

Sa nasabing bilang, 768 ay pawang stranded OFWs at Overseas Filipinos ang galing UAE at Lebanon.

Dumating sila sa NAIA sakay ng dalawang magkahiwalay ng DFA-chartered flights.

Mayroon ding 354 na land-based OFWs ang dumating sa bansa galing sa Saudi Arabia sakay ng OWWA-chartered flight.

Habang 668 na Filipino seafarers pa na pawang crew ng Royal Caribbean Cruise Lines ang dumating lulan ng dalawang Air Europa flights.

Simula noong February 2020 ay umabot na sa 44,000 ang napauwing OFWs mula sa mga bansang apektado ng pandemic ng COVID-19.

 

 

TAGS: covid pandemic, COVID-19, department of health, DFA, general community quarantine, Health, Inquirer News, Modified general community quarantine, News in the Philippines, ofs, OFWs, OWWA, Radyo Inquirer, repatriation, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, covid pandemic, COVID-19, department of health, DFA, general community quarantine, Health, Inquirer News, Modified general community quarantine, News in the Philippines, ofs, OFWs, OWWA, Radyo Inquirer, repatriation, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.