Blackwater, back-to-back ang panalo sa PBA Commissioner’s Cup

By Kathleen Betina Aenlle February 20, 2016 - 05:24 AM

blackwater alaskaSa kauna-unahang pagkakataon ay nakakamit ng back-to-back na panalo ang Blackwater Elite sa kasaysayan ng kanilang paglalaro sa PBA.

Ito ay dahil naipanalo ng Elite ang laban kontra Alaska Aces sa Oppo Commissioner’s Cup eliminations, na nagtapos sa iskor na 107-101, pabor sa Elite.

Malaki ang naitulong ng 24 points ni Carlo Lastimosa, lalo na ang triple double ng kanilang import na si MJ Rhett, na siyang kauna-unahan naman sa season na ito.

Labis naman ang pagka-tuwa ng kanilang coach na si Leo Isaac at sinabing kailangan nila itong ipagpatuloy dahil malamang na pinaghahandaan na sila nang maigi ng iba pang mga koponan.

Naging mabigat din ang epekto ng pagkaka-bangko ng import ng Alaska na si Rob Dozier dahil umano sa injury.

Sa una’y tumanggi ang kanilang coach na si Alex Compton na sabihin ito dahil maaring gamitin ito ng kanilang mga kalaban kontra sa kanila.

Nagtamo ani Compton ng injury si Dozier sa kanilang mga training noong nagdaang linggo.

Gayunman, minaliit lang ni Dozier ang injury at sinabing hindi naman ito seryoso at hindi dapat ikabahala.

TAGS: blackwater versus alaska, pba commissioner's cup, blackwater versus alaska, pba commissioner's cup

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.