ITCZ magpapaulan sa Mindanao ngayong araw
Makararanas ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan ang buong Mindanao ngayong araw dahil sa Inter Tropical Convergence Zone o ITCZ.
Babala ng PAGASA ang malalakas na buhos ng ulan na mararanasan ay maaring magdulot ng flash flood sa mabababang lugar at landslide sa bulubunduking lugar.
Sa nalalabi pang bahagi ng bansa kasama na ang Metro Manila bahagyang maulap na papawirin lamang ang iiral na mayroong isolated na pag-ulan dulot ng thunderstorms sa hapon o gabi.
Walang nakataas na gale warning saanmang baybaying dagat ng bansa.
Wala namang inaasahang sama ng panahon na papasok sa bansa sa susunod na tatlo hanggang limang araw.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.