Bilang ng mga naka-recover sa COVID-19 sa lalawigan ng Rizal, umabot na sa 384

Tumaas pa ang bilang ng mga gumaling o naka-recover na sa coronavirus disease o COVID-19 sa lalawigan ng Rizal.

Base sa huling datos ng Provincial/City/Municipal Health Offices ng Rizal (10PM, Lunes, June 15) , nadagdagan ng 12 ang bilang ng mga gumaling na sa COVID-19 sa lalawigan kaya umabot na ito sa 384 habang 129 ang active cases.

Nadagdagan ng 1 ang bilang ng mga nasawi sa COVID-19 sa lalawigan kaya ito ay umakyat na sa 77.

Ang kabuuang bilang sa ng tinamaan ng virus sa lalawigan ay umabot na sa 590 kung saan nakapagtala ng 15 bagong kaso.

Samantala, nasa 100 ang bilang ng probable habang nasa 533 naman ang bilang ng mga suspected sa lalawigan.

 

 

Read more...