Mayor ng Teresa, Rizal nakaligtas sa pananambang; 2 kasama sa sasakyan sugatan

By Mary Rose Cabrales June 16, 2020 - 05:22 AM

Tinambangan ang Mayor ng Teresa, Rizal kahapon ng hapon (June 15).

Ayon sa post ng sa FB Page ng Lalawigan ng Rizal, inambush umano si Teresa Mayor Raul Palino kahapon.

Base sa larawan na kasama sa post ay isang lalaki na nakaputing pantaas ang bumaril sa sasakyan ni Mayor Palino.

Ligtas naman si Palino ngunit nasugatan ang 2 nitong kasama sa sasakyan.

Mariin umanong kinokondena ng pamahalaang panlalawigan at 14 na bayan ang insidente ng pananambang.

Samantala, naglaan naman ng cash reward ang pamahalaang panlalawigan ng Rizal sa sinumang makapagbibigay ng impormasyon sa pagkakakilanlan ng mga suspek at agarang paghuli sa mga ito.

Maaring makipag-ugnayan lamang sa kapitolyo o sa pinakamalapit na himpilan ng pulisya ang sinumang may impormasyon kaugnay sa nangyaring insidente ng pananambang.

 

 

TAGS: ambush, Inquirer News, mayor raul palino, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Rizal, Tagalog breaking news, tagalog news website, Teresa, ambush, Inquirer News, mayor raul palino, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Rizal, Tagalog breaking news, tagalog news website, Teresa

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.