Bilang ng COVID-19 positive cases sa CALABARZON pumalo na sa 1,840
Tumaas pa ang bilang ng mga nagpositibo sa coronavirus disease o COVID-19 sa Region 4A o CALABARZON.
Ayon sa huling datos mula sa Department of Health Center for Health Development Region 4A (DOH CHD 4A), araw ng Lunes (June 15, 3:00 PM) nakapagtala ng 14 na bagong kaso kaya pumalo na sa 1,840 ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng virus sa rehiyon.
Narito ang bilang ng mga nagpositibo:
Cavite – 437
Laguna – 536
Batangas – 227
Rizal – 506
Quezon – 134
Nasa 1,001 na ang bilang ng mga nakarecover kung saan nakapagtala ng 29 na bagong recoveries.
Narito ang bilang ng mga nakarecover:
Cavite – 161
Laguna – 335
Batangas – 150
Rizal – 262
Quezon – 93
Nanatili ang COVID-19 related deaths sa rehiyon sa 170.
Narito naman ang bilang ng mga nasawi sa mga lalawigan:
Cavite – 31
Laguna – 37
Batangas – 27
Rizal – 66
Quezon – 9
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.