“Tulungan natin ang ating mga kababayan na naghahanap ng paraan makauwi. Bigyan natin sila ng maayos na sistema para hindi sila nakaabang lang sa mga transportation terminals. Alagaan rin natin sila, bigyan ng pagkain, maayos na masisilungan, at huwag hayaang magkumpol-kumpol para rin maiwasan ang lalong pagkalat ng sakit,” apela ni Go.
Nais ng senador na magsagawa ng information campaign ang mga ahensiya para malaman ng publiko kung kanino sila hihingi ng tulong nang hindi malalagay sa panganib ang kanilang sarili.
Una nang inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga ahensiya na bigyan ng pansamantalang masisilungan ang mga LSI at pakainin habang naghihintay ng biyahe pauwi.
Unang nakuha ng atensyon ng lahat ng daan-daang OFWs na stranded sa NAIA at sinundan ito ng LSIs na natutulong sa paligid ng NAIA habang naghihintay ng flight pauwi.