47-anyos nurse, unang Pinoy na nagpositibo sa COVID-19 sa Libya
Tinamaan ng COVID-19 ang isang 47-anyos na emergency room nurse sa Libya.
Ayon kay Chargé d’Affaires Elmer Cato ng Philippine Embassy sa Libya, ang nasabing nurse ang kauna-unahang Filipino sa Libya na nagpositibo sa nakakahawang sakit.
Kabilang aniya ang nurse sa mahigit 1,000 Filipino medical frontliners na nagsasakripisyo sa naturang bansa para labanan ang pandemiya.
Sa huling datos hanggang June 15, 36 ang panibagong napaulat na COVID-19 cases sa Libya.
345 ang aktibong kaso habang 454 ang cumulative cases.
Batay din sa datos, 63 na ang naka-recover na pasyente habang 10 ang pumanaw bunsod ng COVID-19.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.