Meralco consumers, pinabibigyan ng insentibo ni Sen. Gatchalian sa online transactions

By Jan Escosio June 15, 2020 - 06:39 PM

Inihirit ni Senator Sherwin Gatchalian sa Meralco na bigyan ng insentibo ang mga kustomer nito na gumagamit na ng online transactions.

Ayon kay Gatchalian, hindi pa nakakabangon ang marami sa mga Filipino dahil sa krisis kayat hindi pa napapanahon na muling singilin ang mga konsyumer ng P47 convenience fee, na unang hindi siningil ng Meralco sa pag-iral ng enhanced community quarantine.

Inanunsiyo ng Meralco na muli nilang sisingilin ang P47 sa kanilang mga kustomer na magbabayad ng kanilang electric bill online.

Paglilinaw ng Meralco, ang convenience fee ay hindi naman napupunta sa kanila kundi sa isang online third party service provider.

Bunga nito, hinikayat ni Gatchalian ang ERC at Bangko Sentral na silipin ang sinisingil na convenience fee ng sinasabing third party service provider.

“Baka nakakalimutan ng Meralco na nandyan pa rin ang banta ng COVID-19 sa kalusugan ng bawat mamayan sa kabila ng pinaluwag na quarantine. Kaya nga natin sinusulong ang paggamit ng online platforms sa pagbayad ng mga bills ay upang hindi na lumabas ng bahay at makipagsapalaran sa mga bayad centers at iba pang establisyemento ang mga tao, pagkatapos ay pababayarin din pala sila ng dapat na pang serbisyo publiko na lang. Huwag nating pahintulutan ito,” ayon sa namumuno sa Senate Energy Committee.

TAGS: Inquirer News, Meralco, online transactions, Radyo Inquirer news, Sherwin Gatchalian, Inquirer News, Meralco, online transactions, Radyo Inquirer news, Sherwin Gatchalian

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.