Ayon kay PNP Anti-Illegal Drugs Group sapokesperson Chief Insp. Roque Merdegia Jr., habang nakabinbin ang petition for bail sa korte ni Marcelino ay sa custodial center na lamang muna ito ikukulong kasama ang Chinese National na si Yan Yi Shou.
Magugunitang kabilang sa mga nakakulong sa custodial center ay sina Senators Bong Revilla at Jinggoy Estrada.
Sa isinagawang pagdinig sa Quezon City RTC Branch 82, iginiit ng kampo ni Marcelino na hindi ito ligtas sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City.
Bilang kilalang “drug buster” kasi at dating pinuno ng special enforcement unit ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), si Marcelino ay nakahuli ng mga drug offenders at iba sa kanila at sa Camp Bagong Diwa nakakulong.
Sa utos ni Judge Lyn Ebora-Cacha ng Branch 82 ng QC RTC, iniutos nitong maalis sa Camp Bagong Diwa si Marcelino.
Bago naikulong sa Taguig si Marcelino at Yan ay na0detain muna sa AIDG headquarters sa Camp Crame matapos maaresto nang maaktuhan sa isang clandestine laboratory sa Maynila.