BREAKING: Bilang ng tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas, 26,420 na
Sumampa na sa mahigit 26,000 ang bilang ng tinamaan ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Pilipinas.
Sa huling datos ng Department of Health (DOH) hanggang 4:00, Lunes ng hapon (June 15), umabot na sa 26,420 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.
Sa nasabing bilang, 18,888 ang aktibong kaso.
Sinabi ng kagawaran na 490 ang napaulat pang kaso ng COVID-19 kung saan 348 ang “fresh cases” habang 142 ang “late cases.”
Nasa 10 pasyente ang nasawi kung kaya ang COVID-19 related deaths sa bansa ay 1,098 na.
Ayon pa sa DOH, 298 ang gumaling pa sa pandemiya sa bansa.
Dahil dito, umakyat na sa 6,252 ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.