Ayon kay Herrera, hindi kagaya sa public schools na tuloy ang sahod ng mga guro sa gitna ng pandemya, iba ang sitwasyon ng mga nasa pribadong paaralan na nakadepende ang kabuhayan sa matrikula ng mga estudyante.
Kaya naman apela ng kongresista, mabigyan rin ng ayuda ang mga guro at non-teaching personnel sa private educational institutions para makaraos sila sa epekto ng krisis.
Ikinalungkot ng kongresista ang mga ulat na hindi kasama ang maliliit na private schools sa
Small Business Wage Subsidy (SBWS) program ng gobyerno kung saan makatatanggap ng P5,000 hanggang P8,000 na wage subsidies kada buwan ang mga eligible na empleyado sa pribadong sektor.
Una nang sinabi ng Coordinating Council of Private Educational Associations (COCOPEA) na maraming pribadong paaralan ang hirap ngayon financially at posibleng permamente nang magsara.