Mga guro sa private schools, pinabibigyan din ng ayuda

By Erwin Aguilon June 15, 2020 - 05:58 PM

Hinikayat ni House Deputy Majority Leader at Bagong Henerasyon partylist Rep. Bernadette Herrera ang gobyerno na alalayan din ang nasa 300,000 private school teachers na naapektuhan ang trabaho dahil sa COVID-19.

Ayon kay Herrera, hindi kagaya sa public schools na tuloy ang sahod ng mga guro sa gitna ng pandemya, iba ang sitwasyon ng mga nasa pribadong paaralan na nakadepende ang kabuhayan sa matrikula ng mga estudyante.

Kaya naman apela ng kongresista, mabigyan rin ng ayuda ang mga guro at non-teaching personnel sa private educational institutions para makaraos sila sa epekto ng krisis.

Ikinalungkot ng kongresista ang mga ulat na hindi kasama ang maliliit na private schools sa
Small Business Wage Subsidy (SBWS) program ng gobyerno kung saan makatatanggap ng P5,000 hanggang P8,000 na wage subsidies kada buwan ang mga eligible na empleyado sa pribadong sektor.

Una nang sinabi ng Coordinating Council of Private Educational Associations (COCOPEA) na maraming pribadong paaralan ang hirap ngayon financially at posibleng permamente nang magsara.

TAGS: COVID-19 crisis, COVID-19 Inquirer, effect of COVID-19, Inquirer News, mga guro sa private schools, new normal, Radyo Inquirer news, Rep. Bernadette Herrera, COVID-19 crisis, COVID-19 Inquirer, effect of COVID-19, Inquirer News, mga guro sa private schools, new normal, Radyo Inquirer news, Rep. Bernadette Herrera

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.