Ilang LGU official, humirit sa IATF na baguhin ang community quarantine sa kanilang lugar – Palasyo

By Chona Yu June 15, 2020 - 04:09 PM

Ibinuyanyag ng Palasyo ng malakanyang na ilang local government officials ang humihirit sa Inter-Agency Task Force na baguhin ang community quarantine sa kani-kanilang mga lugar.

Ayon kay Presidential spokesman Harry Roque, ito ay dahil sa kaso ng COVID-19.

Halimbawa, ayon kay Roque, ang lokal na pamahalaan ng Quezon na mula sa modified community quarantine ay humihirit na ilagay sa general community quarantine.

Humihirit naman aniya ang Cebu na maging MECQ mula sa GCQ.

Gusto namang maging GCQ ng Abra, Apayao, Caraga region, at Lanao del Sur mula sa MGCQ.

Humihirit naman ang mga lokal na pamahalan sa Dagupan City, Batanes, Davao de Oro, Davao del Norte, Davao Oriental, Davao Occidental, at Davao del Sur na i-relax ang community quarantine at ilagay sa MGCQ mula aa GCQ.

Humihirit naman na maging MGCQ mula sa GCQ ang Pangasinan, Angeles City, Nueva Ecija, Zambales, Pampanga, Cavite, at Cebu province.

Sinabi ni Roque na wala namang Metro Manila mayors ang naghain ng kanilang apela.

TAGS: areas under ECQ, areas under GCQ, areas under MECQ, areas under MGCQ, community quarantine, COVID-19 Inquirer, IATF, Inquirer News, latest news on COVID-19, Radyo Inquirer news, Sec. Harry Roque, areas under ECQ, areas under GCQ, areas under MECQ, areas under MGCQ, community quarantine, COVID-19 Inquirer, IATF, Inquirer News, latest news on COVID-19, Radyo Inquirer news, Sec. Harry Roque

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.