Dami ng sasakyan ang dahilan ng traffic ayon kay Tolentino
Ang sobrang dami ng sasakyan ang dahilan ng matinding traffic sa Metro Manila.
Ayon kay dating MMDA Chairman at senatorial candidate Francis Tolentino, kahit naglagay pa ng Highway Patrol Group para magmando ng traffic sa EDSA, hindi pa rin naman naibsan ang pagsisikip sa daloy ng trapiko.
Aniya ang dami ng sasakyan ang problema sa mga pangunahing lansangan sa EDSA lalo na sa EDSA. “Kahit inilagay na natin ang HPG, traffic pa rin eh. Sobra na talaga populasyon ng mga sasakyan,” sinabi ni Tolentino.
Ayon kay Tolentino, ang pag-centralized sa mga bus terminals ang tanging makapagpapaluwag sa EDSA.
Dapat aniya ay hindi sa magkakahiwalay na lugar sa EDSA nakapwesto ang mga bus terminals ng mga biyaheng patungo sa probinsya.
Bagaman sinabi ni Tolentino na maaring hindi popular sa marami ang kaniyang panukalang vehicle reduction ay patuloy niya itong isusulong.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.