Drug suspect sa Maynila, timbog; Higit P1-M halaga ng shabu, nasabat

By Angellic Jordan June 15, 2020 - 03:55 PM

Nasamsam ang mahigit P1 milyong halaga ng ilegal na droga sa Maynila, Linggo ng madaling-araw.

Sa ulat ng National Capital Region Police Office (NCRPO), ikinasa ng mga tauhan ng Manila Police District, Ermita Police Station ang buy-bust operation sa bahagi ng Block 15, Baseco Compound, Port Area bandang 2:00 ng madaling-araw.

Nag-ugat ang operasyon matapos ang isinagawang intelligence gathering, surveillance, monitoring at imbestigasyon ukol sa pagkakasangkot ng suspek sa isang large scale drug operation.

Nagpanggap ang isang pulis bilang poseur buyer sa operasyon na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek na si Normina Kamsa o alyas “Nur,” 29-anyos.

Lumabas din sa imbestigasyon na kabilang si Kamsa sa District Drug Watchlist ng Manila Police District.

Narekober sa suspek ang apat na pakete ng hinihinalang shabu, isang pouch bag, cellphone at ginamit na buy-bust money.

Ang nakuhang ilegal na droga ay may bigat na 148 gramo at may street value na P1,006,400.

Dinala na ang mga ebidensya sa MPD-CLO para sa forensic chemical laboratory examination.

Mahaharap naman ang suspek sa kasong paglabag sa Section 5 at 11 Article II ng Republic Act 9165 o Dangerous Drugs Act of 2002.

TAGS: buy bust operation, buy-bust operation in Manila, confiscated illegal drugs, confiscated shabu, Inquirer News, NCRPO, Radyo Inquirer news, Republic Act 9165, buy bust operation, buy-bust operation in Manila, confiscated illegal drugs, confiscated shabu, Inquirer News, NCRPO, Radyo Inquirer news, Republic Act 9165

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.