Administrasyon ni dating Pang. Noynoy Aquino, pasimuno ng paniningil ng buwis sa online sellers – Palasyo
Itinuro ng Palasyo ng Malakanyang ang administrasyon ni dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III na pasimuno ng paniningil ng buwis sa mga online seller na kumikita ng P250,000 kada taon.
Pahayag ito ng Palasyo matapos umani ng batikos mula sa mga online seller at maging sa mga senador na singilin ng buwis ang mga nagbebenta sa internet.
Ayon kay Presidential spokesman Harry Roque, hindi na bago ang naturang polisiya dahil mismong si dating Bureau of Internal Revenue (BIR) commissioner Kim Henares pa ang nagpatupad nito.
“Itong polisiya na ito hindi ito bago. Itong polisiya po na buwisan ang mga online sellers nagsimula pa po nung si Kim Heneras ang BIR Comissioner sa panahon ni Presidente Noynoy Aquino, pinatutupad lang po natin ang instruction at isang batas na pinasimulan ni Presidente Noynoy Aquino,” pahayag ni Roque.
Sinabi pa ni Roque na ang bago sa polisiyang ito ay hindi na pinagbabayad ang mga maliliit na kita dahil sa ipinatupad na TRAIN law.
“Ang bago po, ngayon lang po nagkaroon ng 0 income tax ang mga kumikita nang hanggang P250,000 yan po ay dahilsa Train na isinabatas as an administration-certified bill sa administrasyon ni Presidente Rodrigo Duterte,” pahayag ni Roque.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.