P9-M halaga ng ecstasy tablets, buking sa Customs bureau

Kinumpiska ng Bureau of Customs – NAIA ang higit 5,200 ecstasy tablets sa bodega ng DHL sa Pasay City.

Ang libu-libong party drugs ay nakalagay sa isang plastic bag na itinago sa isang paper shredder.

Galing ang package sa United Kingdom at naka-address sa isang taga-Pasig City.

Isinailalim sa document check and physical examination ang package dahil sa kaduda-dudang detalye nito.

Nasa kustodiya na ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA ang ecstasy tablets na nagkakahalaga ng P9 milyon.

Ang PDEA na rin ang magsasagawa ng kinauukulang pag-iimbestiga at pagsasampa ng mga kaso.

Read more...